Miyerkules, Hunyo 27, 2012

LONG D I S T A N C E..


Minsan naiisip ko, sa dinamirami ng tao sa mundo bakit siya pa? Bakit sa taong sobrang layo pa sakin? Bakit kailangan sa taong nakatira sa ibang bansa pa mahulog yung loob ko? Hindi ba pwedeng sa tao na lang na malapit sakin? Dun sa tao na pwede ko makasama araw-araw? Kaso hindi eh.. Nandun siya at nandito ako. 
Pero alam mo kapag nagusap na kami, at narinig ko na ulit ang malambing nyang boses, nakita yung mapulang labi niyang laging naka-ngiti, narinig ulit yung matamis niyang tawa, naaalala ko kung bakit siya. Kung bakit matapos ang siyam na buwan muling nagbukas yung puso ko. Muling nasasagot yung mga tanong na laging pumapasok sa isip ko.Kasi pala siya lang ang nakakapagbigay sakin ng ganitong pakiramdam. Siya lang ang nakakapagpasaya sakin ng ganito.. Siya lang at wala ng iba. :)
Ang hirap talaga kapag long distance. Malayo ka na nga sa kanya tapos magkaiba pa yung Timezone nyo. Lagi kang puyat, lagi kang naghihintay, lagi kang online at nakahawak sa phone mo kasi baka bigla siyang magtext o tumawag. Pero kung mahal mo naman talaga ang isang tao walang mahirap diba? Handa kang magsakripisyo para sa kanya. Yung mas ok na yung walang tulog kesa naman mawala siya sayo. :)
Balang araw magkikita din kami at mula sa araw na yun ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ako kasaya na dumating siya sa buhay ko.Ibibigay ko sa kanya lahat habang magkasama kami. Pupunan ko lahat ng pagkukulang ko sa kanya. At papatunayan ko sa kanya na kasama ang love story namin sa mga story na may happy ending. :) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento