Pseudo Relationship eto yung kayo , pero hindi kayo.
Halimbawa.
- Di kayo pero lagi kayong magkasama halos araw araw ginawa ng Diyos magkasama kayo.
- Halos araw araw kayong magkatxt pag di kayo nagkakatxt di nyo matitiis at ittxt nyo na ang isat isa.
- May tawagan kayong dalawa Call of Indearment nga kunbaga.
- Araw-araw mong tinitignan yung profile nya kung may kalandian syang iba,minsan nilologin mu pa FB nya alam mo rin kasi ung pasword nya.
Para itong open relationship eh. Yung kahit sino pwedeng pumasok sa buhay mo. Dapat walang mag papaapekto sa inyong dalawa, kung may bago siyang nakilala. Susuportahan mo siya. Syempre fair naman yan eh. Kapag nakakita ka rin ng bagong kakilala. Susuportahan ka rin dapat niya. Kulet nga ng ganito eh. Parang friends with benefits lang. Tipong ang ma inlove talo. Pero ang mahirap dito eh kung kailan ka hihiwalay. Tipong gusto mo sayo pa rin yung isa, tipong kailangan mo isakripisyo kung ano ang meron sa inyo kasi nga kailangan mo para sa pagbibigay ng respeto sa bago mo. Sa taong makakarelasyon mo.
Gusto mo ba makarelate ng husto? Pakinggan mo ang kantang Migraine ng MOONSTAR88. Pakinggan mo sa youtube. Kung gusto mo makawasak damdamin. Binibigay ko na sayo ang link ng kantang ito
Migraine by Moonstar88
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento